MADELINE'S POV
There! I asked him.
Oh my gosh! Where did I get that kind of courage?!
I feel so proud of myself but hindi pa dapat mag celebrate because wala pa siyang answer!
He looked so shocked.
Sabagay, who wouldn't be? Ako na to eh! It's Madeline Guerero for f**k's sake!
He's very cute! Ayokong ibrought up na naalala ko ang nangyari kagabi. I couldn't even remember everything. Naalala ko lang is siya iyong bartender, then nung tinanong ko siya sa pangalan niya and ofcourse when I asked him to be my boyfriend!
Hindi ko kakalimutan iyon, because I'm serious! I want him to be my boyfriend. I like him!
"Uh may pag uusapan paba tayo miss CEO?" he asked cutely. Oh gosh gusto kong pisilin ang dalawa niyang pisngi!
"Maybe, about last night?" I told him while grinning. I saw his adams apple move.
"L-Last night? Naaalala mo?" nanlalaki ang matang tanong niya.
Ofcourse naaalala ko!
"Ofcourse! You rejected my offer." I told him at pinakatitigan siya. He looks so shy.
"You don't like me?" I asked him. Napangiwi naman siya at napakamot sa kaniyang batok. Napatingala ako ng tumayo siya.
Is he leaving already?
What?
Hindi siya papayag makipag dinner sa akin?
Alam niya bang ang swerte swerte niya dahil siya ang nagustuhan ko?!
"I don't like people like you miss CEO." he seriously said. Tumaas naman ang kilay ko.
Really?
I got more interested.
I am not angry or offended. I don't know why, but I feel more challenged.
"Why?" nakangiti kong tanong.
"Ang creepy mo talaga. Weird." bulalas niya.
"What?!" tiningnan ko siya ng matalim.
Me??
Creepy and weird?!
That's not true!
"Ikaw lang itong nirereject na nga tapos nakangiti pa! Akala ko ba seryoso ka?" sambit niya at nameywang pa. I laughed.
Oh my gosh! Nanggigigil ako sa kaniya. Tumayo ako at naglakad papalapit sa kaniya.
"You're just making me like you more, Engr. Primo." saad ko sa nang aakit na boses. I keep some distance between us but sinigurado kong maiintimidate siya.
"You're crazy." pigil ang hininga nitong saad.
I really like teasing him.
"I'm not crazy, I'm Madeline Guerero and I'm going to court you whether you like it or not." I smiled sweetly. Napaawang ang labi niya sa sinabi ko and that earned a chuckles from me.
I can still vividly remember my wet dream last night. I am with him. Damn!
"Bored ka lang ata madame." saad niya ng nakabawi.
Ako?
Bored?
Duhh? Never akong na bored. Ang dami kong trabaho!
I sighed and looked at him seriously.
"I need a boyfriend Primo. But it's you that I like. Ikaw lang ang gusto kong maging boyfriend so liligawan kita!" I said happily.
"Ma'am. Unang una, hindi laro ang isang relasyon. Hindi ka pwedeng pumili na lamang ng lalaking gusto mong maging boyfriend na parang nagshoshopping ka lang. At lalong hindi biro ang pangliligaw! At tsaka hindi ako pang kabet ma'am!" mahaba niyang saad but the last one make me frown.
"Pang kabet? Is that the filipino food with lots of different gulays? And bakit nasali sa conversation natin ang dish na iyon?" I asked, kunot ang aking nuo.
I'm right diba?
Manag Suling sometimes cook that kind of dish sa bahay namin eh.
But anong connection? He said he's not pang kabet?
I don't get it.
Napakamot siya sa ulo at nagpipigil ng tawa. Anong nakakatawa?
"What's funny?" I asked him.
Sabi niya I am weird. But he's also weird kaya!
"Ma'am ang tinutukoy niyo ay pakbet. Pakbet iyon!" he explained.
Ahhh...
Pakbet pala?
So, I'm wrong?
"Then what do you mean, you're not pang kabet?" tanong ko ulit. It's like may malaking question mark sa ulo ko.
Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyang maintindihan ang sinasabi niya. I laughed.
Oh my gosh!
"Oh! I get it, I get it! But you're not going to be a kabet naman because I'm not in a relationship with anyone." I told him. I saw doubt in his eyes.
What?
Hindi siya naniniwala?
"Wehh?" hindi naniniwala nitong saad. I rolled my eyes because of that.
"Baka mamaya cool off lang kayo eh!" I gasped because of what he said.
Anong cool off?!
"Excuse me?! Are you calling me a liar?!" umuusok ang ilong kong sambit.
Mabilis niya namang tinaas ang dalawang kamay.
"Chill madame. Okay, okay. Eto na nga hindi na nga papalag eh." natatawa niyang saad.
"So, what's your answer?" pinagkrus ko ang aking dalawang braso at tiningnan siya.
"Huh? Nagsisimula ka na bang manligaw?" nagugulumihan niyang sambit.
"Why? Pumapayag kana?" I smirked. Teasing him. Namula naman ang kaniyang tenga at pababa sa kaniyang leeg.
Damn! Ang cute niya talaga! I can already picture us out together. I'm sure we are a perfect couple! He's not that bulky but his muscles are in the right places. Idagdag mo pa ang maamo at inosente niyang mukha. His eyes that makes me feel like he can see through me dahil sa sobrang lalim niyon.
Napalabi siya at hinarap ako.
"Why do you want me to be your boyfriend that much? What are your plans?" seryoso nitong tanong. Umayos ako ng tayo at naglakad papalapit sa kaniya.
"I don't know? Maybe because you have this strong effect on me. I never felt like this before, sa kahit na sino but with you......"
kinuha ko ang kanan niyang kamay. Oh, it's so big compared to my hands. Inilagay ko iyon sa bandang puso ko. I even saw shock written in his face.
"My heart go crazy." I smiled sweetly at him. Agad niyang binawi ang kaniyang kamay at huminga ng malalim.
"Alam mo ma'am, kakakape mo lang yan eh! Kaya malakas ang t***k ng puso mo. Wag mo na akong idamay diyan." kinakabahan niyang saad. Inirapan ko siya.
Panira naman ng moment itong taong to!
"You're ruining the moment." may inis sa boses ko.
"Anong oras ba tayo aalis?" kaswal na saad niya. I immediately smile and excitement came rushing through my veins.
"Pumapayag kana?" excited kong sambit.
"It's hard to turn down your offer." nakanguso niyang saad.
I gulped.
Oh that lips...... It's so tempting! I want to taste that again aishhh!
I just smiled at him and bit my lower lip.
You're so malandi pala Madeline!
I said to myself. I never know na may ganitong side ako, and I want to explore more..... with him. Siya lang ang nag iisang lalaking kayang iparamdam ang ganito ka komportableng pakiramdam. Ofcourse there's my cousins but not this comfortable that much!
I don't know what gotten into me... Lumapit ako sa kaniya ng sobra and I crushed my lips against his.
I sighed in contentment when I feel his lips in mine.
Oh god!